Monday, October 19, 2026

Mahigit 21 na indibidwal na may kaugnayan sa iligal na droga na nasabat sa Laos, pina-subpoena na ng CIDG

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Allen Rae Co na pina-subpoena na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mahigit 21 mga indibidwal na may kaugnayan sa iligal na droga na nasabat sa Laos.

Ayon kay Co, ilan sa mga pina-subpoena ay hindi naman direktang sangkot sa nasabing iligal na transaksyon at inaasahan na may madadagdag pa sa mga ipapatawag na ito ng CIDG.

Hinimok naman ni Co ang mga pina-subpoena na makipag-cooperate sa pulisya para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa nasabing iligal na transaksyon.

Ibinahagi rin ni Co, na malapit nang lumabas ang resulta sa nasabing imbestigasyon.

Hindi naman masabi ng PNP kung ang lahat ng 11 mga indibidwal na nauna nang ibinunyag na kasama sa nasabing iligal na transaksyon ay kasama sa mga pina-subpoena, ngunit ang tiyak lamang na kasama sa mga pinatawag ng CIDG ay ang babaeng pulis na pinangalanan na sangkot sa shipment ng iligal na droga na ni-relieve na sa pwesto at isinailalim sa restrictive custody.

Facebook Comments