Monday, October 19, 2026

Tulfo, Padilla, Cayetano at Sotto, nanguna sa OCTA senatorial survey para sa 2028

Nanguna sina Senators Raffy Tulfo, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano at Pasig City Mayor Vico Sotto sa pinakahuling senatorial preference survey ng OCTA Research para sa 2028 elections.

Batay sa survey, nakakuha si Tulfo ng 47% voting preference, 45% si Padilla, 44% si Cayetano at 42% naman si Sotto.

Pero ayon sa OCTA, statistically tied ang apat sa unang apat na puwesto dahil sa magkakalapit nilang resulta.

Sumunod naman sina dating Senador Grace Poe at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na parehong may 36%, habang 31% si Senator Loren Legarda.

Pasok din sa mga posibleng makakuha ng puwesto sa Senado sina Abby Binay, Mark Lapid at Senator Chiz Escudero.

Samantala, bumaba ang voting preference kina Padilla, Poe, Legarda at Manny Pacquiao kumpara sa nakaraang survey, habang tumaas naman kina Sonny Angara at Escudero.

Isinagawa ang survey mula September 28 hanggang October 4 sa 1,200 adult Filipinos, na may ±3% margin of error.

Nilinaw ng OCTA na hindi pa ito prediksyon sa resulta ng 2028 elections dahil maaari pang magbago ang mga kandidato at kagustuhan ng mga botante.

Facebook Comments