Marikina City Government, naghihintay pa rin ng ‘Go Signal’ ng DOH para magamit ang itinayong laboratory facility

32

Muling iginiit ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na hindi nakikipagkompitensya ang Marikina Local Government Unit sa Department of Health (DOH).

Ang pahayag ay ginawa ni Marikina City Mayor Teodoro habang hihihintay nila ang pag-apruba ng DOH sa itinayo nilang sariling Testing Laboratory na panglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Apela ni Mayor Teodoro, huwag ng patagalin pa ang proseso sa pagce-certify ng kanilang inisyatibo dahil oras ang hinahabol nila.

Paliwanag ng alkalde sakali naman maaprubahan ay hindi lang taga-Marikina umano ang makikinabang dito kundi maging ang mga kalapit lalawigan gaya ng Pasig, Antipolo at Rizal.

Napag-alaman na Martes pa dapat ang operasyon nito pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring sagot ang DOH sa hangarin ng Marikina City Government na bigyan sila ng permiso na makapag-test ng iba pang possible carrier.

Facebook Comments