
Makikipag-ugnayan si House Assistant Majority Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa mga pinuno ng simbahan, mga dalubhasa sa Cannon Law, at mga legal scholars ang House Bill No. 10970 o panukalang Marriage Reform Bill.
Layunin ng panukala na palawakin ang mga batayan ng pagpapawalang-bisa ng kasal sa pamamagitan ng Annulment o Legal Separation at gawing mabilis ang proseso at abot-kaya.
Tinukoy ni Acidre na pangunahing laman ng panukala ang na isama sa batayan ng annulment at legal separation ang kakulangan sa kahustuhan ng isip, panlilinlang, pamimilit at mapanlokong layunin.
Iniuutos din na legal na kilalanin ang mga deklarasyon ng pagpapawalang-bisa ng kasal mula sa simbahan.
Pinawi naman ni Acidre ang pangamba na pahihinain ng panukalang batas institusyon ng kasal.
Paliwanag ni Acidre, lalo nitong pinatatatag ang kasal sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang pag-aasawa ay pinapasok nang may ganap na kaalaman, kalayaan at pananagutan.