
Nanlaban ang isang drug suspek sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Villa Mansano, Perez, Quezon province, kahapon March 2, 2025.
Ayon sa PNP Drug Enforcement Group, inagaw ng suspek na si alias “Marvin” 36 years old at no. 6 Most Wanted Person ng Quezon Province ang service firearm ng pulis na nagresulta sa kanyang pagkakasugat.
Dahil dito, sinampahan ng panibagong kaso ang suspek na Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents of the Person in Authority maliban pa sa kanyang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Samantala, agad na dinala sa Lucena City Hospital para sa surgery ang sugatang suspek.
Pagkatapos ng kanyang operasyon, dadalhin sa Lucena City Police Station si alias Marvin para sa documentation at proper disposition.