
Inimbitahan ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang tanggapan ang nag-viral na contestan ng beauty pageant ng isang noontime show bukas, March 4.
Ito’y matapos mag-viral ang video nito na walang masagot tungkol sa COMELEC kahit pa marami nang ginagawa ang ahensya ngayong 2025 midterm elections.
Sinabi ng 20 anyos na contestant na hindi raw kasi masyadong lumalabas sa social media account niya ang tungkol sa COMELEC.
Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nais nilang ipaalam at ibigay ang mga impormasyon sa dalaga hinggil sa mandato at mga gawain ng ahensiya.
Batid ni Garcia na may ibang kabataan pa ang hindi lubos na nalalaman ang COMELEC kaya’t importante talaga ang pagpapaigting ng voter’s education.
Facebook Comments