MATERIALS RECOVERY FACILITY NG BARANGAY LASIP GRANDE DAGUPAN CITY, SINURI; DAGDAG KAGAMITAN IPINAGKALOOB SA WASTE MANAGEMENT

Nagsagawa ng surprise visit ang mga opisyal ng lungsod sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Barangay Lasip Grande, Dagupan City upang suriin ang kalagayan at sistema ng pamamahala ng basura sa lugar.

Sa isinagawang pagbisita, tiningnan ng mga opisyal ang operasyon ng MRF at kung paano isinasagawa ang waste segregation at collection sa barangay.

Layunin nitong matiyak ang maayos at epektibong sistema ng pamamahala ng basura.

Bilang suporta, nagkaloob ang lungsod ng dalawang “garong” o pushcarts na gagamitin sa pag-iikot at pangongolekta ng basura mula sa mga kabahayan.

Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalakas ng waste collection efforts ng barangay.

Kasama sa inspeksyon ang Barangay Council, gayundin ang Waste Management Division.

Ayon naman sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan City, patuloy ang kanilang suporta sa mga programang makatutulong sa mga waste segregators at collectors sa lungsod.

Binigyang-diin ng mga opisyal na mahalaga ang maayos na koordinasyon upang maging matagumpay ang mga ganitong inisyatibo, at nagsisilbing halimbawa ang Barangay Lasip Grande na maaaring tularan ng iba pang komunidad sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments