Saturday, April 25, 2026

Pagpapasa ng Meralco ng iba’t ibang singil sa mga consumers, dapat tuldukan na

Nanawagan si Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay sa Meralco na itigil na ang patuloy na pagpasa ng iba’t ibang singil sa consumers, kasunod ng lumalakas na reklamo sa umano’y hindi malinaw at hindi makatarungang charges.

Diin ni Suntay, matagal nang pinapasan ng publiko ang system losses at inefficiencies sa distribution.

Nakadidismaya aniya na ngayon ay ipinapasa na rin ng Meralco sa mga consumers pati ang ilang “government subsidy” mechanisms — tulad ng para sa senior citizens at lifeline rates para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at low-income earners.

Giit ni Suntay, hindi dapat magpatuloy ang hindi makatarungan at tila parausang ito sa mga maayos magbayad.

Ayon kay Suntay, kung may mga programang panlipunan o policy-driven mechanisms, ay dapat malinaw kung sino talaga ang dapat sumalo ng gastos—hindi automatic na ipinapasa sa consumers.

Facebook Comments