Thursday, April 23, 2026

P40 dagdag-sahod, Service Charge Benifits at iba pa, naipanalo ng mga manggagawa ng Kowloon House West Avenue

COURTESY: Kabataan Partylist/Facebook

Tagumpay ang panawagang ₱40 na dagdag-sahod ng mga manggagawa ng Kowloon House West Avenue sa loob ng dalawang taon matapos mapilitang makipagkasundo ng management nito base sa desisyon ng National Conciliation and Mediation Board.

Ito ay kasunod ng anim na araw na tigil-operasyon ng mga manggagawa para ipaglaban ang kanilang karapatan sa mas maayos at makataong benepisyo bilang empleyado.

Maliban sa dagdag-sahod, naipanalo rin ng mga manggagawa ang pagbabalik ng Service Charge Benefits mula sa nakalipas na tatlong taon, na linggo-liggong babayaran ng naturang kompanya mula Hulyo hanggang Nobyembre.

Samantala, kasama rin sa makukuha ng mga manggagawa ng naturang kompanya ang signing bonus, vacation, sick, at union leave, loyalty pay, educational aid, at mobilization support para sa May 1 at sa November 30.

Facebook Comments