Iginawad na ang cash incentives sa mga atletang nagkamit ng medalya sa 2026 Region 1 Athletic Association (R1AA), bilang pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng palakasan sa Isports.
Ang naturang kompetisyon ay ginanap sa Candon City mula Abril 5 hanggang Abril 11, kung saan nagpakitang-gilas ang mga atleta mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa Region 1.
Kabilang sa mga larong sinalihan ng mga atletang mula sa Dagupan City ang swimming, boxing, basketball, volleyball, PARA/SPED at PARA Games, table tennis, gymnastics, aero-gymnastics, wushu, wrestling, taekwondo, billiards, at arnis.
Ayon sa mga opisyal, ang pagbibigay ng insentibo ay isang paraan ng pagkilala sa pagsisikap at tagumpay ng mga atleta, gayundin ng kanilang mga coach at trainer na naging bahagi ng kanilang paghahanda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










