PROYEKTONG DRAINAGE CANAL, ISINASAGAWA SA ZONE 3 AVE VILLAGE SA BARANGAY PINMALUDPOD, URDANETA CITY

Sinimulan na ang installation ng drainage canal sa Zone 3 Ave Village ng barangay Pinmaludpod bilang bahagi ng hakbang upang mapabuti ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ayon sa Barangay Council of Pinmaludpod, layunin ng proyekto na magbigay ng pangmatagalang solusyon sa suliranin ng pagbaha na nararanasan ng ilang residente sa lugar.

Inaasahan ding makatutulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng komunidad.

Pinangunahan ng Punong Barangay ang pagpapatupad ng nasabing proyekto, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng barangay sa pakikiisa at kooperasyon ng mga residente habang isinasagawa ang konstruksyon.

Hinihikayat din ang lahat na patuloy na makibahagi sa mga proyektong pangkaunlaran upang makamit ang mas maayos at maunlad na barangay.

Ang naturang proyekto ay isa sa mga inisyatibo ng barangay na naglalayong maghatid ng mas episyenteng imprastraktura para sa kapakanan ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments