
Inirekomenda ni Senator Loren Legarda na ilaan sa edukasyon ang anumang pondong matitipid mula sa mga kwestiyunableng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025.
Naniniwala si Legarda na may P1 trillion na halaga ng mga proyekto ang overpriced ngayong taon.
Iminungkahi ni Legarda na magkaroon ng renegotiation sa mga proyekto kahit may kontrata dahil maaari naman nila itong gawin alinsunod sa New Government Procurement Act.
Tiniyak naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na kanilang ipatutupad ang cost adjustment para sa mas mababang halaga ng mga materyales.
Pag-aaralan din ng ahensya kung paano mahahabol ang mga ongoing na proyekto, habang ang mga hindi pa naia-award na mga proyekto ay ipatutupad gamit ang mas mababang halaga ng mga construction materials, na tiyak na magreresulta sa savings.
Iginiit ni Legarda na anumang matitipid ay dapat lamang ilaan sa school infrastructure.









