Memorandum of Agreement, Pormal ng Pinirmahan ng LGU Ilagan at PATAFA!

Ilagan City, Isabela- Pormal ng pinirmahan ng pamahalaang panlungsod ng
Ilagan City at pamunuan ng Philippine Athletic Track And Field Association
(PATAFA) ang Memorandum of Agreement (MOA) sa gaganaping pagdiriwang ng
Ayala Philippine Athletic Championship sa darating na Mayo 10-14, 2018.

Pinagunahan nina Mayor Evelyn C. Diaz, Vice Mayor Vedasto Villanueva ng
Ilagan City maging ang mga pamunuan ng PATAFA na sina Press. Philip Ella
Juico, Vice-Chair-Events Mangt. Eduard Kho, EVP, PATAFA, Atty. Nicanor
Sering at Sec. Gen. Reynato Unso ang pagpirma sa nasabing MOA kanina, ganap
na alas dos ng hapon, Marso 19, 2018.

Sa pagdalo ng RMN Cauayan News Team kanina sa naturang aktibidad,
pinasalamatan ni Mayor Diaz ang pamunuan ng PATAFA sa pagtitiwala ng mga
ito upang minsan pang gawing punong abala ang lungsod ng Ilagan sa
pagdiriwang ng naturang aktibidad.


Aniya,Malaki din umano ang naitulong ng PATAFA sa mga Ilagueño particular
na sa larangan ng sports at pagsulong sa malusog na pamumuhay.

Samantala, inaasahan pa ngayon ang mas mainit pang pagtanggap ng Ilagan
City sa mga atleta o kalahok na maggagaling pa sa Iba’t-ibang bansa.

Patuloy pa ang ginagawang paghahanda ng City of Ilagan at Inaasahang ang
gaganaping pagdiriwang ay magiging masaya at matatapos ng mapayapa taglay
ng bawat kalahok ang diwa ng sportsmanship.

PATAFA 2018, Mayor Evelyn C. Diaz, Vice Mayor Vedasto Villanueva, Philip
Ella Juico, Eduard Kho, Atty. Nicanor Sering Unso

Facebook Comments