Mental health, dapat isama sa PhilHealth coverage

Kaugnay sa pag-obserba ng Mental Health Awareness Month ngayong Mayo ay nanawagan si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar sa Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth na isama sa coverage nito ang mental health.

Giit ni Villar, mahalagang mapag-ibayo ang mental health services ng pamahalaan sa lahat ng sektor ng lipunan kasama ang mga estudyante at mga manggagawa.

Paalala ni VIllar, ang kalusugang pangkaisipan ay kasing halaga ng pisikal na kalusugan kaya dapat magkaroon ng access ang bawat Pilipino sa tamang suporta at pag-unawa.

Una rito ay inihain din ni Villar ang House Bill No. 10933 o panukalang Teacher’s Mental Health and Wellness Act na nagsusulong ng suporta sa lahat ng educators bilang pagkilala sa mahalagang papel nila sa paghubog ng ating bansa.

Facebook Comments