Mahigit 800,000 mga miyembro ng 4Ps, nakamit na ang self-sufficiency level —DSWD

Inanunsyo ngayon ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na umaabot sa
mahigit 800,000 4Ps members, nakamit na ang self-sufficiency level.

Ayon kay DSWD Spokesperson Secretary Irene Dumlao, nasa kabuuang 860,471 Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps members ang lumabas na sa programa matapos makamit ang self-sufficiency level.

Paliwanag pa ni Dumlao, ang mga sambahayan na nauuri bilang self-sufficient ay may kakayahan ng matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Dagdag pa ni Dumlao na mayroong kakayahang kumita ng matatag sa pamamagitan ng isang permanenteng trabaho o maliit na negosyo.

Giit pa ng opisyal na kaya nang pag-aralin ang mga anak at ang katiyakang hindi na bumalik sa kahirapan dahil na rin sa kanilang kakayahan.

Facebook Comments