Friday, May 1, 2026

MGA BARANGAY INFORMATION OFFICERS, PINALAKAS SA GAD AT SOCIAL MEDIA SEMINAR SA ALAMINOS CITY

Nagsagawa ang City Information Office ng isang makabuluhang seminar na pinamagatang GAD Basics: Gender-Sensitive and Inclusive Social Media sa City Conference Hall upang higit pang palakasin ang kakayahan ng mga Barangay Information Officers (BIOs).

Bahagi ito ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang kakayahan ng mga information officers at higit pang mapabuti ang paghahatid ng tama, mabilis, at komprehensibong impormasyon sa publiko.

Naging resource speakers sa nasabing seminar sina Odyssa Anne S. Bengson at Venus N. Balgua.

Tinalakay nila ang mahahalagang paksa tulad ng mga batas kaugnay ng GAD at ang Social Media Master Guide na makatutulong sa responsableng paggamit ng digital platforms.

Inaasahang magbubunga ang seminar ng mas mahusay na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan, habang isinusulong ang gender sensitivity at inclusivity sa bawat antas ng impormasyon.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga BIOs sa Gender and Development (GAD), kasabay ng paggamit ng makabagong estratehiya sa social media para sa mas inklusibo at epektibong komunikasyon sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments