Friday, May 1, 2026

MISA NG PASASALAMAT, ISINAGAWA SA HUNDRED ISLANDS BILANG PAGDIRIWANG NG FEAST OF SAINT JOSEPH THE WORKER

Isinagawa ang isang Thanksgiving Mass bilang pagdiriwang ng Feast ni Saint Joseph the Worker sa Hundred Islands National Park, partikular sa Ramos Island.

Ginap sa Our Lady of the Assumption Chapel ang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Melchor Joseph Braga, kung saan dumalo ang mga deboto, turista, at miyembro ng lokal na komunidad upang mag-alay ng panalangin at pasasalamat.

Ang nasabing selebrasyon ay nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng mga nakatakdang buwanang misa sa lugar, na layuning palakasin ang faith tourism at higit pang mapayaman ang espiritwal na karanasan ng mga bumibisita sa Lungsod ng Alaminos.* | **𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣*

Facebook Comments