Friday, May 1, 2026

Mga senador na abogado, mas lamang sa karanasan sa inaasahang impeachment trial

Aminado si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na may lamang ang mga senador na abogado kapag sinimulan na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Lacson na may “disadvantage” ang mga hindi abogado lalo’t hindi lahat ay may karanasan sa impeachment trial kumpara sa mga senator-lawyers na may karanasan sa litigation at court proceedings.

Aniya pa, kakaunti lamang din ang mga abogadong senador sa kasalukuyan at aabot lamang sa lima.

Ang mga ito ay sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Senator Chiz Escudero, Senator Pia Cayetano, Senator Kiko Pangilinan, at Senator Rodante Marcoleta.

Kahit hindi naman abogado, naghahanda si Lacson matapos sumailalim sa crash course para sa legal matters at nag-imbita rin siya ng judge para magabayan siya sa magiging proseso ng impeachment.

Facebook Comments