SCHOLARSHIP SCREENING SA SAN FABIAN, DINAGSA NG MGA INCOMING COLLEGE STUDENTS

Pinilahan ng mga estudyante ang isinagawang screening para sa Iskolar ng Bayan noong Abril 27 sa San Fabian, Pangasinan.

Ayon sa ulat, dumaan ang mga aplikante sa pagsusuri at beripikasyon ng kanilang mga dokumento na bahagi ng selection process kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, DepEd District 1 at District 2, City Development and Welfare Office (CDW), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Local Youth Development Office (LYDO).

Ang naturang scholarship ay alinsunod sa Republic Act No. 10648 o Iskolar ng Bayan Act of 2014 na nakatuon sa pagbibigay ng scholarship sa mga pampublikong state universities at colleges.

Kabilang sa mga pangunahing kwalipikasyon ang pagiging kabilang sa top graduates, Filipino citizenship at admission requirements ng napiling unibersidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang ebalwasyon ng mga dokumento ng mga nagsumite sa naturang araw para matukoy ang pinal na listahan ng mga makakatanggap ng scholarship sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments