Nababahala na si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon sa mga mensaheng nais na iparating ng mga drug lords sa pamamagitan ng mga natagpuang bloke-blokeng cocaine sa bansa.
Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Esperon na hindi muna nila tatalakayin sa publiko ang kanilang mga gagawing hakbang upang hindi madiskaril ang kanilang isasagawang operasyon.
Paliwanag ni Esperon na posibleng magsasagawa na tuwing Linggo ang Joint Task Force ng AFP at PNP sa pakikipagtulangan ng PDEA para matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang pagpupuslit ng mga ilegal na droga sa bansa.
Paliwanag ng kalihim bumuo na ng Task Force na pinangunahan ng PDEA upang matukoy at matuldukan na ang pagpupuslit ng mga ilegal na droga kung saan ginagawang transhipment ng ilegal na droga ang mga karagatan ng Pilipinas.