Mga dam sa bansa, hindi masisira kahit tumama ang pinakamalakas na lindol —NPC

Hindi masisira ang mga dam sa bansa kahit tumama ang ‘The Big One’ o magnitude 7.2 na lindol.

Pinawi ng National Power Corporation (NPC), ang mga pangamba ng marami kasunod ito ng pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar at Bangkok kung saan gumuho ang ilang malalaking gusali at mahigit 1,000 ang patay.

Sinabi ni NPC Dams, Reservoir and Waterways Division Manager Wilfredo Siladrin na idinisenyo ang mga dam para tumagal at makayanan ang malalakas na lindol.


Limang malalaking dam ang nasa pangangasiwa ng NPC, kabilang dito ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan, San Roque Dam sa San Manuel at San Nicolas, Pangasinan, Ambuklao at Binga Dam sa Benguet at Caliraya Dam sa Lumban, Laguna.

Sa pagtaya ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, hindi pa handa ang bansa sa lindol na singlakas ng tumama sa Myanmar dahil sa kalidad ng ating mga gusali.

Batay sa Risk Analysis Project noon pang 2013, posibleng kumitil ng mahigit tatlumpung libo ang The Big One at lubhang makapaminsala sa mga imprastraktura sa bansa.

Facebook Comments