LTO, magde-deploy ng 1,700 na enforcers sa buong bansa ngayong Holy Week

Magpapakalat ng 1,700 na enforcers ang Land Transportation Office o LTO ngayong Holy Week dahil sa posibleng pag-taas ng bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada.

Dahil bukod sa masiguro ang seguridad ng mga motorista sa daan, ito ay para ma-monitor din ang ilang pangunahing kalsada at magpatupad ng batas para sa reckless drivers, partikular na ang mga makikisali sa mga road racing.

Ayon kay LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza II, katuwang nila sa inisyatibong ito ang Philippine National Police o PNP at iba pang tagapagpatupad ng batas sa pamamagitan ng pagre-report sa kanilang ahensya ng reckless drivers.

Babala ni Asec. Mendoza II para sa mga motorista na matakasan man nila ang enforcers alam na ng mga ito ang gagawin masiguro lang na mapanagot sa pagiging kamote ng mga ito sa kalsada.

Facebook Comments