Friday, June 19, 2026

PBBM, nais ibalik si Atty. Benhur Abalos sa gabinete; pero hindi nangangahulugan na magkakaroon ng balasahan sa administrasyon

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling magkaroon ng mas aktibong papel sa pamahalaan si dating Interior Secretary Benhur Abalos, ngunit hindi ito nangangahulugang magkakaroon ng balasahan sa kanyang mga gabinete

Ayon sa pangulo, matagal nang tumutulong si Abalos sa gobyerno kahit wala na ito sa puwesto kaya bukas siyang mabigyan ito ng opisyal na tungkulin sa hinaharap.

Gayunpaman, iginiit ng pangulo na hindi kailangang may mapalitan o matanggal na miyembro ng Gabinete upang mabigyang-daan ang pagbabalik ni Abalos sa serbisyo publiko.

Kuntento aniya siya sa kasalukuyang komposisyon ng kanyang gabinete dahil maayos ang pagtutulungan ng mga kalihim at patuloy nilang naipatutupad ang mga prayoridad na programa ng administrasyon.

Dahil dito, binigyang diin ni Pangulo Marcos na wala siyang nakikitang pangangailangan sa ngayon para magsagawa ng pagbabago sa komposisyon ng kanyang gabinete.

Facebook Comments