Monday, June 22, 2026

House prosecution team, mariing itinanggi na kinain sila ng buhay ng defense team sa unang araw ng pre-trial conference

Mariing itinanggi ng House prosecution team na mistulang kinain sila ng buhay ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa unang araw ng pre-trial conference noong June 18.

Giit ni House Leade Prosecutor Rep. Gerville Luistro, fake news ito kaya hinihikayat niya ang publiko na suriing mabuti ang mga impormasyong ikinakalat lalo na sa social media.

Ayon kay Luistro, batid niya na kinakatawan niya ang intres ng mamayang Pilipino kaya hindi siya papayag na lamunin ng buhay ang laban ng sambayanang Pilipino.

Binanggit naman ni House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na walang tensyon na nangyari sa unang araw ng pre-trial conference.

Paliwanag ni Diokno, ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw ng magkabilang panig sa pre-trial conference o kahit pa sa korte ay natural lang at hindi ibig sabihin na may sigalot na nangyari.

Facebook Comments