Clean-up Drive, Isinagawa ng Cauayan City Police Station

Cauayan City, Isabela- Nagtulong-tulong ang ilang kawani ng Cauayan City Police Station para sa kanilang clean-up drive sa barangay Cabaruan sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, pinangunahan mismo ni PLT Scarlette Topinio, ang Information Officer ng PNP Cauayan City ang paglilinis sa mga lansangan na sakop ng brgy. Cabaruan gaya ng pagpulot ng mga basura at pagtanggal ng mga damo sa gilid ng kalsada.

Layunin ng naturang aktibidad na mahikayat ang komunidad na mapanatili ang kalinisan sa lugar at mapalakas ang ugnayan ng kapulisan sa mamamayan.

Ang isinagawang clean up drive ng kapulisan sa ilalim ng kanilang Community Outreach Program ay bilang suporta sa Executive Order no. 70 o ang ELCAC para mapagkaisa ang bawat Cauayeño.

Samantala, bukod sa ginawang paglilinis ng kapulisan sa lansangan ay namahagi rin ang mga ito ng mga alcohol at bottled water sa mga sibilyan na tumulong at nakiisa sa kanilang clean up drive.

Facebook Comments