Pasig City Mayor Vico Sotto, nag-resign na sa partido

Nagbitiw na si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Aksyon Demokratiko.

Sa kaniyang resignation letter na may petsang June 30, sinabi ni Sotto na hindi na siya naniniwala na ang Aksyon Demokratiko ay isang grupo na may iisang adhikain o paniniwalang pulitikal.

Nagpasalamat naman ang Pasig City Mayor sa oportunidad na naipagkaloob sa kaniya ng Aksyon Demokratiko.


Nilinaw ni Mayor Vico Sotto na ang pag-resign niya ay hindi dahil sa isang partikular na tao o kandidato.

Nanatili aniya ang kaniyang mataas na pagrespeto sa liderato ng partido.

Ikinalungkot naman ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel Jr., ang pag-alis ni Vico Sotto sa partido.

Bukas pa rin naman aniya ang pintuan ng partido para dito.

Facebook Comments