MGA INSIDENTE NG FINANCIAL SCAM, MAARI NANG MAIREPORT AGAD

Inilunsad ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ng online chatbot na tinatawag na “BOB” upang matulungan ang publiko sa pagrereklamo ng mga insidente ng financial scam.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas North Luzon Regional Senior Specialist Jim Ian Bautista, sa pamamagitan ng BOB, mabibigyan ang mga nagre-reklamo ng gabay sa proseso, reference number, at kasunod na follow-up sa kanilang mga kaso.

Ayon sa BSP, layunin ng BOB na magsilbing direktang linya para mai-report ang mga fraudulent activity at tiyakin na ito ay matutugunan.

Hinihikayat naman nila ang publiko na agad mag-report ng mga scam upang maprotektahan ang sarili at ang iba pang tao mula sa mga ganitong panlilinlang.

Patuloy ang tanggapan sa pagsasagawa ng mga pamamaraan upang mabigyan ng malawak na kaalaman ang publiko tungkol sa mga financial scams at ang kahalagahan ng financial literacy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments