
Kinalampag ng mga grupo ng mangingisda ang tanggapan ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry para kundinahin ang mabilis at lumalaking prisensya ng commercial fishing sa loob ng 15 kilometers ng katubigang sakop ng mga munisipyo sa Maynila ngayong Huwebes, May 28.
Ayon sa mga grupo, umaabot sa humigit kumulang 4-K commercial fishing vessels ang naitatala ng Karagatan Patrol buwan-buwan sa nasabing katubigan na bunsod umano ng pagpayag ng korte na mag operate ang nasabing mga fishing vessels, habang wala naman umanong ginagawa ang DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para masulusyunan ito.
Samantala, apektado naman nito ang kabuhayan ng maliliit na mangingisda dahil mabilis umanong nauubos ng malalaking bangkang pangisda ang isda at iba pang rekurso sa pangisdaan.
Samantala, pinangunahan naman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang nasabing kilos-protesta, kasama ang iba pang kinataaan ng iba’t ibang grupo ng mangingisda mula sa Cebu, Negros Occidental, Panay island, Batangas, at La Union.










