Nasakote ng mga awtoridad ang isang 42-anyos na lalaki matapos umanong maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan noong Biyernes, Mayo 22, 2026.
Sa ikinasang anti-drug operation ng Urbiztondo Police Station, nahuli ang suspek matapos makipagtransaksyon umano sa isang undercover operative.
Kasunod nito, nadiskubre sa inspeksyon ang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu sa suspek.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam sa operasyon, na may tinatayang halaga na ₱13,600 batay sa standard drug price.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











