Susuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga hakbang ng Department of Education (DepEd) para mas mapaangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito ang siniguro ng pangulo matapos na idetalye ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga problema at solusyon sa basic education sa bansa.
Ayon sa pangulo, magtatayo ang Marcos administration ng mas maraming impratraktura para sa mga estudyante, guro at sa buong academic sector.
Ito ang mga infrastracture na ito aniya ay magiging malusog at ligtas na environment para sa magandang kalidad ng edukasyon.
Naniniwala rin ang pangulo na kailangang mag-invest ang bansa sa mga guro para mas umaangat ang educational system ng bansa.
Samantala, bilang patunay ng commitment na ito para sa sektor edukasyon pumirma ang pangulo at si Vice President Sara Duterte sa Matatag Commitment Wall ng DepEd na may nakasulat na “Bansang Makabata, Batang Makabansa”.