
Pormal nang isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ngayong Biyernes ng umaga, July 3, ang kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 laban kina Senator Rodante Marcoleta, former Congressman Mike Defensor, Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Napunta ang kasong Plunder sa 3rd Division, habang ang unang kaso ng paglabag sa Presidential Decree No. 46 o ang bawal na pagtanggap ng opisyal ng gobyerno at pagbibigay ng pribadong indibidwal ng anumang uri ng regalo at donasyon sa panahon ng kampanya ay napunta sa 4th Division, pangalawa sa 6th Division, at ang pangatlo ay napunta naman sa 1st Division.
Matatandaang ito ay kaugnay ng umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng P75 million na campaign donation mula sa ibang akusado noong 2025, na hindi idineklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Samantala, nananatili pa rin naman ang kapulisan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD) sa gusali ng Sandiganbayan.










