
Inaasahang mas mabilis nang huhupa ang pagbaha sa Maynila sa tulong ng Sunog Apog Pumping Station sa Tondo.
Ito’y matapos na maging fully operational na ang nasabing pumping station alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon, muling napagana sa loob ng anim na buwan ang pumping station.
Aniya, inabot ng anim na taon natengga at depektibo ang Sunog Apog pumping stations kung saan puspusan ang ginawa mg DPWH para matapos ang pagsasa-ayos.
Dahil dito, mabilis na huhupa ang baha sa ilang lugar sa Metro Manila, kabilang ang España, Sampaloc, Rizal Avenue, Maria Clara, at iba pang bahagi ng Quezon City, sa tulong ng mga flood pump.
Facebook Comments










