
Iginiit ng Malacañang na nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng mainit na palitan ng mga pahayag sa pagitan nina Defense Secretary Gilbert Teodoro at ilang opisyal ng China.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lutasin ang mga isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng diplomasya, kasabay ng matatag na pagtatanggol sa karapatan at interes ng Pilipinas.
Binigyang-diin din ni Castro na hindi naghahanap ng sigalot ang Pilipinas at wala itong ginagawang probokasyon, agresyon o panghihimasok sa
Bahagi lamang aniya ng tungkulin ng mga opisyal ng Pilipinas at China ang pagpapatupad ng kani-kanilang mga batas at polisiya.
Sa kabila ng naging palitan ng mga pahayag, tiniyak ng Malacañang na wala itong nakikitang hidwaan sa relasyon ng dalawang bansa at nananatiling.










