Friday, July 3, 2026

FTA ng Pilipinas at Canada, target tapusin ngayong taon — PBBM

Target ng Pilipinas at Canada na matapos ngayong taon ang negosasyon para sa Free Trade Agreement (FTA) upang mapalawak ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang bilateral meeting kay Canadian Prime Minister Mark Carney sa Vancouver.

Ayon sa pangulo, bukod sa FTA, napagkasunduan din nilang palakasin ang kalakalan, tiyakin ang matatag na supply chain, at palawakin ang kooperasyon sa ekonomiya.

Kapag naisakatuparan ang FTA, inaasahang mas magiging madali ang pagpasok ng mga produkto at negosyo ng Pilipinas at Canada sa merkado ng isa’t isa, na maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan.

Pormal na nagsimula ang negosasyon para sa bilateral FTA noong 2025 at target itong matapos ngayong taon.

Facebook Comments