Wednesday, October 28, 2026

Ilang fur parents, maagang dumalaw sa pet cemetery sa Marikina ngayong Undas

Maagang binisita ng ilang fur parents ang puntod ng kanilang mga yumaong alagang hayop sa Fortune Pet Memorial Garden sa Marikina City ngayong Undas.

Ayon kay dating Barangay Captain Riza Teope, na nangangasiwa sa sementeryo, nasa humigit-kumulang 12,000 alagang hayop na ang nakalibing sa lugar.

Bukod sa mga dumalaw, may pamilya ring nagtungo sa sementeryo upang ilibing ang kanilang alaga.

Kuwento ni Teope, dating tambakan ng basura o Materials Recovery Facility (MRF) ng barangay ang lugar bago ito ginawang pet cemetery.

Naisipan umano nilang magtayo ng sementeryo matapos mapansin ang mga patay na hayop na madalas na iniiwan sa mga estero at kalsada.

Una itong inilaan para lamang sa mga residente ng Barangay Fortune, pero ngayon ay bukas na rin sa mga fur parent mula sa ibang lugar na nais ilibing nang maayos ang kanilang mga alaga.

Facebook Comments