
Hindi pa rin makasakay ang ilang mga pasahero ng LRT-1 sa Maynila dahil walang biyahe ang ilang istasyon.
Sinabi kasi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nagpapatupad sila ngayon ng limitadong operasyon mula kaninang alas-10 ng umaga.
Dahil dito, mula Dr. A Santos Station hanggang sa Baclaran Station sa Parañaque lamang ang biyahe at Fernando Poe Station hanggang Central Terminal Station.
Puspusan na anila ang pagkukumpuni ng kanilang engineering team para maibalik ang normal na operasyon.
Sa ngayon, may ilang pasaherong piniling maghintay pa rin kung anong oras babalik ang normal na biyahe habang ang iba ay naghihintay makasakay ng mga jeep at bus.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRMC dahil sa kasalukuyang abala sa mga pasahero.










