
Naglabas ang Department of Energy (DOE) ng listahan ng mga gasolinahan para sa sampung pisong fuel subsidy.
Karamihan sa naturang gasoline stations ay matatagpuan sa Quezon City.
Tiniyak din ng DOE na patuloy pang madadagdagan ang mga kalahok na istasyon para mas maraming tsuper ang makinabang sa programa.
Sa ilalim ng programa, maaaring makapag-avail ang mga kwalipikadong tsuper ng ₱10 diskwento kada litro ng diesel, 150 liters na limitasyon kada linggo.
Ito ay katumbas ₱1,500 na kanikang matitipid kada linggo depende sa konsumo.
Facebook Comments










