
Nagsagawa ng Search and Rescue operations ang Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP WESCOM) sa mga kababayan nating naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Palawan dulot ng shear line.
Gamit ang mga military vehicles, sinikap ng WESCOM na marating ang mga binahang lugar upang matiyak na agarang mailikas ang mga apektadong pamilya.
Maliban sa paglilikas, namahagi rin ng ayuda ang tropa ng pamahalaam sa mga apektadong residente.
Samantala, tiniyak ng AFP WESCOM na nakahanda ang kanilang mga sasakyan gayundin ang disaster response equipment sakaling lumala ang sitwasyon partikular na sa mga mabababang lugar sa Palawan.
Facebook Comments