Isa pang police general na dawit sa kontrobersyal na 990 kilos drug haul sa Maynila, malapit nang mapasakamay ng pulisya

Kumpyansa ang Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) na malapit na nilang matunton ang isa pang police general na sangkot sa kontrobersyal na drug raid sa Maynila noong October 2022.

Kabilang ito sa pito pang pulis na atlarge at kasalukuyang pinaghahanap ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Nicolas Torre III naniniwala siyang malapit nang matunton ng kanilang tracker team si dating Drug Enforcement Chief PBGen. Narciso Domingo at anim na iba pa lalo na’t mayroon ng Hold Departure Order na inilabas ang korte laban sa mga ito.


Matatandaang una nang nag-post sa kaniyang Facebook account si Domingo kung saan kaniyang sinabi na isang sindikato ang nasa likod umano ng ₱6.7-billion drug case na isinampa laban sa kanila.

Umapela rin si Domingo kay Interior Secretary Jonvic Remulla na pag-aralang maigi ang kaso.

Facebook Comments