
Maituturing na “unconstitutional” kung muling ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Ito ang pahayag ni Sherwin Gatchalian matapos niyang ihayag na hindi siya sang-ayon sa panukalang postponement ng BSKE.
Paliwanag ni Gatchalian, nagdesisyon na ang Korte Suprema na hindi na maaaring suspendihin pa ang halalan. Kung itutulak ang pagpapaliban, ito na ang ikatlong beses na hindi matutuloy ang eleksyon sa barangay.
Dagdag niya, hindi maaaring basta na lamang ipagpaliban ang halalan dahil paglabag ito sa democratic rights at sa Konstitusyon.
Bukod dito, mayroon nang nakalaang pondo para sa BSKE.
Matatandaang noong Agosto ng nakaraang taon, nilagdaan ni Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12232 na naglipat ng BSKE mula Disyembre 2025 sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.










