Mga pasaherong pabalik sa NCR, dagsa na sa PITX!

Dagsa na sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga pasaherong pabalik ng National Capital Region (NCR) ngayong araw.

Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, hanggang kaninang alas-9:00 ng umaga at umabot na sa 40,000 ang mga pasahero sa terminal.

Posibleng pumalo pa ito sa 110,000 ngayong araw na bahagyang mababa sa inaasahang 150,000 passengers per day.


ā€œSa pagtaya namin, lalagpas tayo sa 110,000 sa araw na ito kasi talaga namang babalik na sila ngayon upang sa ganon ay manumbalik na yung kanilang regular na buhay, pagtatrabaho, pagnenegosyo at kung ano-ano pa,ā€ ani Salvador sa interview ng RMN Manila.

ā€œHindi natin na-reach yung inaasahan natin na 150,000 passengers a day ano, yun kasi yung ating expection magmula Friday hanggang Monday sana. Unfortunately, dahil sa bagyo, syempre nagdalawang -isip din yung ating mga kababayan sa pagbiyahe,ā€ dagdag niya.

Facebook Comments