
Isang napakagandang balita para kay Navotas Rep. Toby Tiangco ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na nahuli na sa wakas si dating Congressman Zaldy Co.
Bunsod nito ay nananawagan si Tiangco sa gobyerno na magpadala ng high-level team sa Czech Republic upang makipag-ugnayan sa mabilisang pag-uwi ni Co.
Umaasa si Tiangco na kapag napauwi na si Co sa ating bansa ay haharapin nito ang mga kasong corruption and malversation of public funds na ipinataw sa kaniya.
Giit ni Tiangco, dapat din ay sabihin ni Co “under oath” kung kung sinu-sino pa ang kasabwat nito sa pinakamalaking korapsyon sa kasaysayan ng ating bansa at dapat ay tumulong din ito na maibalik ang umano’y mga nakaw na yaman.
Facebook Comments










