Saturday, April 18, 2026

Panukalang batas kontra sa pagbabawal na dumalo sa graduation ceremonies ang mga estudyanteng may utang sa paaralan, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan na matuldukan na ang pagbabawal na dumalo sa graduation ceremonies ang mga estudyante na mayroon pang bayarin o utang sa kanilang paaralan.

Nakapaloob ito sa inihain ni Yamsuan na House Bill 8618 na layuning ang lahat ng mga mag-aaral ay makasama sa selebrasyon o graduation rites anuman ang estado nila sa buhay.

Punto ni Yamsuan, ang edukasyon ang siyang tumatayong pag-asa para sa maraming naghihikahos na pamilyang Pilipino kaya maraming magulang ang nagsasakripisyo para lamang matiyak na makapagtapos ang kanilang mga anak.

Saklaw ng panukala ni Yamsuan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan hanggang K-12 level, gayundin ang higher educational institutions, at technical-vocational institutions.

Para matiyak ng mga paaralan na makakasingil sila ay pinapayagan ng panukala na ipitin ang diploma o iba pang academic documents ng mga estudyante na mayroon pang utang.

Facebook Comments