
Isinulong ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na maibalik ang kapangyarihan ng gobyerno na na maprotektahan ang mga Pilipino laban sa pagtaas ng presyo ng langis.
Nakapaloob ito sa sa inihain ni Chua na House Bill No. 8839 o panukalang “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act.
Sa ilalim ng panukala ay itatatag ang Fuel Regulatory Board, lilikha din ng bagong Oil Price Stabilization Fund at Strategic Fuel Reserve.
layunin ni Chua na maremedyuhan ang kasalukuyang kalakaran na kapag sumirit ang presyo ng langis sa world market, ay diretso agad ang hagupit nito sa bulsa nating mga Pilipino dahil halos walang magawa ang gobyerno.
Sa panukala ni Chua ay magkakaroon na ng malinaw na mekanismo para maprotektahan ang Pinoy consumers kapag may problema sa suplay o pagtaas sa presyo ng langis na nakakaapekto sa presyo ng pagkain, transportasyon at nagpapalaki sa gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.










