
Cauayan City — Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang hepe ng Cauayan City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr., matapos na magtamo ng injury nang magkaroon ng sunog sa kanyang opisina gabi noong ikalawa ng Hunyo.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na sumiklab ang apoy matapos umanong matuluan ng tubig ang isang electrical outlet na malapit sa bintana dahil sa lakas ng ulan.
Mabilis namang tumawag sa Cauayan City Fire Station ang kapulisan na agad namang rumesponde sa naturang sunog.
Nagawa namang apulahin ang apoy at mapigilan ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng tanggapan.
Samantala, nagtamo naman ng 3rd degree burn sa dalawang kamay, ulo, leeg, at sa iba pang bahagi ng katawan ang hepe kaya naman patuloy pa rin
siyang inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) sa St. Paul Hospital Tuguegarao.
Sa kabila ng nangyaring inside, patuloy pa rin ang operasyon ng tanggapan ng Cauayan City Police Station.










