Thursday, June 4, 2026

PRENUP PHOTOSHOOT SA CAPITOL GROUNDS FOUNTAIN AREA NG LINGAYEN HINANGAAN

Magkahalong kilig at pagkamangha ang nadama ng mga netizen sa tampok na prenup photoshoot na isinagawa sa fountain area ng Capitol Grounds sa Lingayen, Pangasinan.

Sa mga larawang kuha ni Phil Diaz, kita ang mga makulay at romantikong tagpo ng magkasintahan sa night setup ng bukana ng kapitolyo.

Lalong naging kapansin-pansin ang kagandahan ng mga larawan dahil sa kombinasyon ng kahanga-hangang kulay ng interactive fountain at ng Capitol Building sa likod nito.

Dahil dito, umani ng paghanga mula sa maraming netizen ang nasabing prenup photoshoot na mala-ibang bansa ang dating at mistulang eksena mula sa isang fairytale.

Ayon kay Diaz, maaaring maging isa ang fountain area sa mga pinakamagandang lokasyon para sa prenup photoshoots at iba pang espesyal na okasyon lalo na tuwing gabi kung kailan higit na nabibigyang-diin ang kagandahan ng lugar dahil sa mga ilaw at kapaligiran nito.

Sa kasalukuyan, tampok din na tambayan ng mga residente at mga bisita ang nasabing lokasyon.

Sa tulong ng mga lokal na photographer na gaya ni Diaz, malaking bagay na unti-unting makita ang potensyal ng interactive fountain bilang bagong atraksyon sa lalawigan na talagang picture-perfect ang peg. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments