Pagtataas ng alert level sa NCR, dapat nakabase sa datos

41

Suportado ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang itaas sa Alert Level 2 ang kasalukuyang alert level na ipinapatupad sa National Capital Region (NCR).

Pero giit ni Sotto, anumang gagawing pagbabago sa umiiral na alert level sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay dapat nakabase sa mga datos at science.

Reaksyon ito ni Sotto sa pahayag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na posibleng isailalim muli ang Metro Manila sa Alert Level 2 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.


Kaugnay nito ay iginiit ni Sotto na ang mga planong paghihigpit sa patakaran na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic ay dapat pag-usapang mabuti ng Local Government Units (LGUs) at national government.

Facebook Comments