Hindi maikakaila na kapag maayos ang Financial Status ng isang tao, it makes His life easier and have wider opportunities in life.
Nagiging factor ang Pera upang maging masaya o masatisfy ang tao dahil may mga bagay na hindi natin kayang maranasan o makuha kung hindi ito gagamitan ng pera, at ayon sa pagaaral, Money Can Buy Happiness, if you spend it RIGHT.
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano makakatulong ang Pera sa kasiyahan ng tao:
1. Buy Experiences– Kung gagamitin mo ang iyong pera para maka pag travel sa iyong dream destination, or kaya naman ay manood ng concert ng iyong favorite band o artist,
makakatulong ang experience na ito to have good memories na pwede mong balik balikan. Spending money on experiences you really enjoy, will give you long lasting happiness.
2. Spend it on your loved ones– Iba ang saya na nararamdaman sa tuwing ikaw ay makakatulong sa mga taong mahal mo lalo na kung Financial Help ito. Maging ang simpleng pagbili ng regalo para sakanila ay nakakapagbigay ng ibang saya. Spending your money with someone you love will make you feel more connected to them and that what makes us all happy.
3. Buy More Time- Stress ka ba sa mga bagay na hindi mo gustong ginagawa pero kailangan? katulad na lang ng mga gawaing bahay, pamamalengke? or pag co-commute na nagiging dahilan para maubos ang oras mo sa traffic. Madalas tayong nagiging busy sa mga bagay na hindi natin gusto, at konti nalang ang oras para sa pamilya at sarili, nagiging sanhi ito upang ma stress at ma frustrate tayo. Kung mayroon kang sapat na pera, mas mapapadali ang iyong lifestyle. You can pay others to do them for you o kaya naman ay humanap ng mas accessible way para mapadali ang mga gawain. This will help you to save more time so you can do more of what you Love. Sabi nga ni Farrington, “Work to Live, don’t Live to Work”
Maging matalino kung paano mo gagamitin ang iyong pinaghirapang pera. If you have trouble paying your bills or debt, magiging dahilan lang ang pera upang ikaw ay ma-stress at malungkot. But if you spend it RIGHT, you can be RICH and HAPPY at the same time.
Article written by May Paraon
Facebook Comments