Motibo sa kasong pagpatay sa isang konsehal ng lungsod ng Pasay, tinututukan na ng SPD

Manila, Philippines – May motibo nang tinututukan ang ang Southern Police District sa kasong pagpatay kay Pasay City Councilor Borbie Rivera.

Ayon kay SPD District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, pangunahin nilang sinisilip ang ay ang anggulo ng dating kasong murder laban kay Rivera at sa pitong iba pa sa Makati City.

Sinabi ni Apolinario na naabswelto si Rivera habang natuloy ang kaso laban sa kanyang mga kasamahan.


Matapos aniyang masampahan ng kaso at makalusot si Rivera ay doon na nag-umpisa ang mga pagtatangka sa kanyang buhay.

Subalit iginiit ni Apolinario na nagsimula ang mga pagtatangkang ito bago pa lamang nanalo bilang presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang tinambangan din ang grupo ni Rivera ilang buwan na ang nakararaan sa labas ng isang klab sa Pasay City pero masuwerteng nakaligtas ang nasabing konsehal.

Nilinaw din ni Apolinario na noong makulong at makasuhan si Rivera ay hindi pa siya ang hepe ng SPD.

Kinumpirma naman ng pamunuan ng SPD na dalawang gwardiya ng SM Southmall ang magiging witness sa nabanggit na kaso.

Facebook Comments