Motorcycle exclusive lane, sisikaping maipatupad ng MMDA ngayong taon

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maipatutupad ngayong taon ang motorcycle exclusive lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, sa ngayon ay inaayos pa nila ang paglalagay ng markings at road signages sa mga kalsada.

May nakatabi na rin aniyang pondo para dito pero kinakailangan pang dumaan sa procurement process kaya medyo natatagalan.


Oras na maipatupad, mananatiling bike lane ang outermost lane na pipinturahan ng berde, katabi ang PUV lane na kukulayan naman ng dilaw saka isusunod ang motorcycle lane na kulay asul.

Sa Commonwealth Avenue muna ipatutupad ang motorcycle lane habang pinag-aaralan kung maaari rin itong gawin sa EDSA.

Target na makapagsagawa ng dry run para dito ngayong Nobyembre.

Facebook Comments